Saan Ang Tagpuan Ng Noli Me Tangere Sa Kabanata 54

Saan ang tagpuan ng noli me tangere sa kabanata 54

Noli Me Tangere

Kabanata 54: Lahat ng Lihim ay Nabubunyag at Walang Di Nagkakamit ng Parusa

Tagpuan:

Ang kabanatang ito ay naganap sa tahanan ng alperes at ni Donya Consolacion at sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. Pahangos na nagtungo doon ang kura upang ipabatid ang nakaambang himagsikan ayon sa kumpisal ng isang babae na nag detalye ng gagawing paglusob sa kwartel at kumbento sa gabing iyon. Bilang tugon, nagtalaga ang alperes ng mga taga bantay sa kwartel at maging sa kumbento. Sa kabilang dako naman, nagtungo din si Elias sa tahanan ni Ibarra upang ipabatid dito ang gagawing pagsisiyasat ng mga guwardiya sa kanyang tahanan kayat dali dali syang inutusan ni Elias na sunugin ang lahat ng mga dokumentong maaring gamitin laban sa kanya. Habang nagliligpit ng mga dokumento ay natuklasan ni Elias ang kaugnayan ni Crisostomo Ibarra kay Don Pedro. Ang taong naging dahilan ng kasawian ng kanyang pamilya kaya naman tinangka niyang saktan ito ngunit siya ay natauhan kayat umalis na lamang siya sa tahanan ni Ibarra. Kahit puno ng pagtataka ay itinuloy na lamang ni Ibarra ang pagsunog sa mga papeles upang wala ng makitang anumang katibayan ang mga kawal kung sakaling magsiyasat ito sa kanyang tahanan.


Comments

Popular posts from this blog

How To Write A Thesis Introduction? Can You Please Give Me Some Three Topics?

What To Process, Choose Among The Following Festival And Narrate The Origin And Cultural Background., A.Moriones Festival, B.Kadayawan Festival

You Roll A Pair Of Dice. What Is The Probability Of Rolling A 2 And Then Rolling A 7?